Krista Ranillo on Manny Pacquiao issues: ‘I’m so sawa na!’


Sa patuloy na intrigang pag-uugnay sa sexy star na si Krista Ranillo sa boxing champ na si Manny Pacquiao, may mga importanteng pahayag pang pinakawalan ang aktres sa mga marming isyu. Una na rito, sinabi ni Krista na hindi siya nagkaroon ng depression nang bigla siyang batuhin ng mga isyu na “other woman” umano siya ni Manny. “I wouldn’t say naman depression but I won’t say naman I was really happy because any person who has issues thrown at them would be affected pero at the point of being depressed, no naman,” paglilinaw niya sa panayam ng The Buzz.

Nilinaw rin ni Krista na ang pangunahing layunin niya sa huling pagpunta sa America ay upang bisitahin ang kanyang pamilya na nakabase doon, at hindi upang suportahan si Manny. “I’ve been going back and forth sa States (US) for the longest time ever since I was a kid. I’ve been going there to be with my family. There’s nothing wrong with that.

Sa tanong kung si Manny nga ba ang gumastos ng expenses niya sa US, hindi na umano ito ang concern ni Krista. “Damn if you do, damn if you don’t. People will always have something to say I don’t wanna please everybody because it’s a difficult task,” aniya.

Naging mailap naman si Krista nang tanungin hinggil sa mga larawan nila ni Pacman na magkasama papunta sa ilang events. Sinabi ng aktres na maghintay muna ng tamang panahon hanggang sa ready na siyang magsalita. Nang usisain din ang isang video kung saan siya umano ang babaeng kasama ni Manny sa loob ng kotse, malaman ang naging pahayag ni Krista. “Let’s move on, it’s 2010! I’m so sawa na. I’m sobrang sawa na to talk about it.

Sa tanong kung may naging relasyon ba sila ni Manny, ang tugon ni Krista, “I don’t wanna comment about it. I just wanna move on from it. Just try to respect and understand that I’m going through a lot of things it’s not just certain issue. As of now, I really don’t wanna talk about it.”

via Krista Ranillo on Manny Pacquiao issues: ‘I’m so sawa na!’ :: ABS-CBN.com.

Be the first to comment on "Krista Ranillo on Manny Pacquiao issues: ‘I’m so sawa na!’"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*