Kris Aquino says doing a teleserye demands a lot of sacrifices


Ipinagmamalaking ihandog ng Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang ABS-CBN Licensing ang bago niyang endorsement na K Everyday Home Collection. Bagay na bagay kay Kris ang kanyang bagong K Everyday Home Collection dahil kilala rin talaga siya sa pagiging metikuloso pagdating sa kanyang mag gamit sa bahay. Tamang-tama naman dahil lilipat na si Kris sa bago nilang bahay ng mister niyang si James Yap at mga anak na sina Baby James at Joshua sa isang condo somewhere in Makati City . “Second week ng January kami lilipat. Ongoing na ‘yung ano, kasi ang condo ang strict ng rules, 9 to 12 (am), tapos, 2 to 6 (pm), ‘yun lang ang construction time mo.

So what are Kris’s plans for Christmas? “James has a game on December 25. So, first game sila. Watch kaming lahat. Happy family with my sisters. Tapos December 26, alis kami hanggang 31st with the kids. Kasi ‘yun ang promise sa mga bata. Bakasyon lang, Bangkok (Thailand). Kasi, again, James only got his schedule last week of November. At which point, wala na kaming makuhang booking. May hotel pero wala ng air travel to Hongkong. So, ‘yun lang ang nakuha namin. Tapos Singapore , ang mahal. We looked at Singapore pero namahalan ako.”

Samantala, showing na on December 25 ang Mano Po ng Regal Films kung saan si Kris ang gumanap na best friend ng bida sa pelikula na si Megastar Sharon Cuneta. Pero marami ang nagtataka kung bakit wala sa poster ang litrato at pangalan ni Kris. “Sabi kasi ni Deo (Edrinal, her manager), my appearance there is ano lang, special participation and you did naman that for Mother, so, huwag ka nang ano d’yan. Kasi sabi ni Deo, as a manager, alam mo naman siya kapag maliit ang letter, so, parang sabi niya, para wala na lang problema and all, walang billing, walang pictorial na.” And Kris agreed naman sa desisyon ng kanilang manager. “Oo naman. Tama naman si Deo kasi ‘di ba sa lahat ng projects ko with ABS-CBN super inaalagaan nila and everything. So, for something you did naman, not because you expected something in return and gusto mo lang naman maging nice, e, ‘di okay na ‘yun.”

Although hindi siya actively na magpro-promote sinabi naman ni Kris na gagawin niya ang kanyang makakaya para tumulong sa movie. “Well, hindi ako makakapag-promote. Ang tulong lang na maibibigay ko talaga was that may shows are the venues talaga you can promote ‘di ba? So, siyempre, extra alaga sa SNN (Showbiz News Ngayon) almost every night may feature story siyempre and then, siyempre may priority sa The Buzz.” Ngayon nga daw ay nagsi-sink na sa kanya na sobrang gahol na siya sa kanyang mga schedules dahil sa paggawa niya ng teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo. “I don’t have time kasi nga, ngayon ko na-realize na kapag gumagawa ng teleserye it takes over your life. As in talagang, wow! And ano, ang lalayo (ng location). Last week we were in Subic . Tapos next week, Zambales, as in dulo ng Zambales, ha.”

Hindi ba supposed to be may curfew siya sa taping? “Dapat hanggang 2 am. Pero ‘di ba minsan dadramahan ka nila? Not ‘yung malapit ng matapos or isa na lang. Hindi but it’s because of the location and we have to finish kasi naka-prosthetics si Albert (Martinez). So, kailangan matapos ‘yung scene na ‘yun kaya tinapos ko kasi I’m a good girl. Pero talagang mahirap pero maganda.” Ano ang reaction ni James kapag umaga na siya umuuwi? “Wala, nasanay na. Ang sabi niya, hindi na raw niya ako nakikita. Sanay na siya na hindi ako nakikita,” sabay tawa ni Kris.

via ABS-CBN.com.

Be the first to comment on "Kris Aquino says doing a teleserye demands a lot of sacrifices"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*