Dingdong Dantes "deeply honored" by Aquino family's request for him to be Noynoy's youth spokesman

Photo Credit: PEP.ph

Naging very vocal si Kris Aquino nang makapanayam siya ng PEP  bago siya umalis papuntang Hawaii na “nililigawan” niya ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan para makuha ang aktor bilang endorser sa kandidatura ng kapatid ni Kris na si Sen. Noynoy Aquino. Tatakbong presidente si Noynoy sa 2010 elections.

Ayon kay Kris, hindi lamang siya ang may gustong maging endorser ni Noynoy si Dingdong kundi lahat silang magkakapatid—kasama na sina Ballsy, Pinky, at Viel. “Unanimous choice” daw nila ang aktor dahil sa maganda nitong imahe. Nakatulong din siguro ang pagiging open ni Dingdong sa paghanga niya sa namayapang ama nina Kris na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino.

Bagamat may lumabas nang report na “sumagot” na raw si Dingdong sa “panliligaw” sa kanya ng Aquino family, minabuti ng PEP na direktang hingan ng pahayag ang aktor kung nakapagdesisyon na nga ba siyang tanggapin ang alok sa kanya.

Bilang sagot sa aming katanungan, ipinadala ni Dingdong ang sumusunod na text message sa PEP:

“Mag-uusap pa kami nang pormal ni Kris once she arrives from Hawaii. But like what I told her, deeply honored ako sa request ng family niya that I’d be Senator Noynoy’s youth spokesman.”

“It is a huge responsibility, especially with the high regard of many Filipinos for the name Aquino. Honestly, I admire the idealism of Senator Noy, precisely I’m interested to hear his programs, particularly for the youth.

“Yes, very soon, I will make formal announcement as to who my choice President and Vice President will be for 2010. Thanks and God bless.”

Kasama ni Kris na nagbabakasyon sa Hawaii ang kanyang mister na si James Yap at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James. Nakatakda silang bumalik ng Pilipinas sa September 21.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | FIRST READ ON PEP: Dingdong Dantes “deeply honored” by Aquino family’s request for him to be Noynoy’s youth spokesman.

Be the first to comment on "Dingdong Dantes "deeply honored" by Aquino family's request for him to be Noynoy's youth spokesman"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*