Kris Aquino on mom Cory Aquino: ‘She was there for everything’

kris-aquino

Sa special episode ng The Buzz kahapon na nagsilbing tribute kay dating pangulong Cory Aquino, ibinahagi ni Kris Aquino ang magagandang alaala ng kanyang ina. Ikinuwento niya kung paano ipinaramdam ng yumaong dating pangulo kung gaano ka-espesyal ang kanyang limang anak. “She was there for everything. She was there for us,” madamdaming kuwento ni Kris. “She would listen and ‘pag nagsusumbong ako, she would always point out the other side.”

Gaya na lamang kay Kris, sa lahat ng premiere night ng actress-host ay dumadalo ang nanay niya. “Ang pamahiin niya kapag nag-attend daw siya ng premiere night, (magiging) blockbuster ‘yung movie ko. She was that type of mom,” sabi ni Kris.

Ibinahagi rin ni Kris ang masayang kuwentuhan nila ng ina nang mabanggit nito ang posibilidad ng pagkakaroon nila ng sitcom ni Willie Revillame. “Sabi niya, ‘E baka ma-link kayo sa isa’t isa,’ sabi ko, ‘Mom naman.’ She had a sense of humor and I want to get that across,” pahayag ni Kris. “Sabi ko, ‘Di ba, Mom, kung kami ni Willie ang magsama sa show (magiging) super hit?’ And she’d say, ‘Konting humility, please, ‘” natatawang kuwento ng bunso ng dating pangulo.

Naging madamdamin din si Kris nang ikuwento niyang very thankful ang kanilang pamilya dahil binigyan sila ng pagkakataon ng Diyos upang ihanda sila sa pagpanaw ng kanyang ina, kabaliktaran umano nang kunin sa kanila ang kanilang ama na si former senator Ninoy Aquino. “In God’s wisdom, He gave us one year and six months to be prepared for mom to go,” sambit ni Kris. “It wasn’t na parang biglang na-shock na lang kami. Kay Dad I was never able to tell him how much I loved him except in an interview. Pero sa Mom, lahat kami nabigyan ng chance. And now looking back nobody wishes cancer on anybody, nobody wishes that pain, but ang bait ni God sa pamilya namin kasi he gave us the chance to make Mom feel we love her and he gave Mom the chance to say thank you. Every time, she never forgot to say thank you.” At sa kabila ng pagtulo ng kanyang mga luha ay sinabi ni Kris na nagpapasalamat siya at nabigyan siya ng pagkakataon na ma-spoil ang kanyang ina.

Lalong naiyak si Kris nang sabihin niyang ngayon ay wala na ang ina upang dumalo sa tuwing pagkakaroon siya ng premiere night o magbigay ng mensahe sa kanya tuwing may proyekto siya. “Ngayon ko iniisip talaga what it’s gonna be like ‘pag may bagong show (tapos) walang magte-text to say congrats good luck,” emosyonal na pagsambit ni Kris.

via Kris Aquino on mom Cory Aquino: ‘She was there for everything’ :: ABS-CBN.com.

Be the first to comment on "Kris Aquino on mom Cory Aquino: ‘She was there for everything’"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*