Boy Abunda promises Tita Cory that he’ll look after Kris Aquino and her kids

boy-abunda

Kilalang isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Kris Aquino si Boy Abunda at isa ang King of Talk sa mga piling hindi miyembro ng pamilya Aquino na nakabisita nang nasa ospital ang ina ni Kris na si Cory Aquino. At bago pumanaw ang dating pangulo ay nagbitiw umano ng pangako si Boy na hindi niya iiwan si Kris at ang mga anak nito. “You’re the only other non-family member who went,” kwento ni Kris hinggil sa pagdalaw ni Boy sa ospital. “I don’t know what you told mom but I’m assuming na sinabi mo na hindi mo ako iiwan kasi hindi mo talaga ako iniwan. You were there, you were praying by her bedside.”

Sa special tribute ng The Buzz kahapon kay dating pangulong Cory ay kinumpirma ni Boy na ito nga ang ipinangako niya sa ina ni Kris. “Noong Sabado pong ‘yon ako po’y pumunta sa ospital. Ako’y lumapit po kay Tita Cory at quietly I was talking to her at ‘yon sinabi ko that, ‘Tita to the best I can, hindi ko pababayan si Kris at kanyang mga anak.’ I kept on saying that, paulit-ulit.”

Isa ring magandang pangyayari sa pagpanaw ni Gng. Cory ay ang pagpapasalamat ni Kris sa pamilya Marcos. Matatandaan kasing si dating pangulong Cory ang nagpataob sa rehimeng Marcos sa pamamagitan ng isang snap election na humantong sa People Power sa EDSA. Ang pamilya Marcos din ang matinding kalaban sa pulitika ng ama ni Kris na si dating senador Ninoy Aquino. “I’d like to say I never thought the time would come but I say thank you to the Marcoses for really praying for my mom. I felt the sincerity at gusto kong magpasalamat,” sambit ni Kris.

Naging madamdamin din si Kris nang sabihin niya na ipinangangako niya na kahit pumanaw na ang ina ay patuloy siyang magkukuwento rito at tutuparin ang tungkulin bilang taga-aliw ng pamilya. “I said, ‘Mom you know I promise you every night before I sleep, kukuwentuhan kita ng lahat ng nangyari sa akin, ng lahat ng nangyari sa family. And even in heaven I promise to continue making you aliw,” sabi pa ni Kris.

via Boy Abunda promises Tita Cory that he’ll look after Kris Aquino and her kids :: ABS-CBN.com.

Be the first to comment on "Boy Abunda promises Tita Cory that he’ll look after Kris Aquino and her kids"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*