Sharon Cuneta wants her first movie with daughter KC Concepcion to be "special"

Pumirma na ng panibagong kontrata sa ABS-CBN ang Megastar na si Sharon Cuneta last Monday, July 28, sa Edsa Shangri-La, Mandaluyong City. Present sa contract signing ang top executives ng Kapamilya network na sina Mr. Gabby Lopez, Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, at Ms. Linggit Tan.

“It’s my 21st year, I’m happy. I think there should not be question on that. I’m really a Kapamilya. This is my home, it’s my family.

“It’s for another year. Every year naman, I sign a contract [with them]. We have lots of plans for Sharon [her weekly show]…ang dami-dami naming plano. We’ve been doing so well. We want to keep the audience interested with us,” sunud-sunod na sabi ng Megastar nang makausap siya.

Tinanong namin si Sharon kung okay ba sa kanyang gumawa ng teleserye since drama naman talaga ang forte niya.

“Kung ang cut-off time ko ay ala-una [ng madaling-araw], baka,” sagot ng Megastar. “Para kasing I try na not to ruin my body clock anymore because I ruined it na for many years. Naayos, tapos masisira uli. Maayos-ayos na, ayoko nang sirain muna uli. But I’m sure pag shooting na, masisira uli.”

Dugtong niya, “Gusto ko actually, sitcom. I think nagulat ang maraming tao nung lumabas yung BFF [her movie with Ai-Ai delas Alas] na kaya ko palang magpatawa. Pag drama, special, kasi usually sa big screen ako nakikita.”

MANO PO 6. Speaking of big screen, excited at pinaghahandaan na ang pagsisimula ng pelikulang pagbibidahan ni Sharon, ang Mano Po 6, na entry sa Metro Manila Film Festival this year. Hanggang ngayon ay wala pang napipiling gaganap bilang anak ng aktres sa istorya, pagkatapos na hindi payagan sina Kim Chiu at Angel Locsin ng Star Cinema dahil parehong may kontrata ang dalawang aktres sa film arm ng ABS-CBN.

“We’re gonna start na,” banggit ni Sharon. “Hindi ako magkandatuto, lagi kong kausap sila Ms. Roselle and Mother [Lily Monteverde, Regal producers], meeting-meeting. Hindi pa siya buung-buo, pinag-uusapan namin lagi.

“Sana yung mga gusto nila Mother lately, sana puwede lahat. Kasi hindi pinayagan si Kim. Before lumabas yung kay Angel, hindi pinayagan si Kim. Alam ko na yun. Si Angel, hindi rin puwede. Ang daming artistang magagaling. Kung sino ang deserving talaga, yun ang papasok.”

Ang daming nagre-request kung bakit hindi na lang ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion ang gumanap na anak niya sa Mano Po 6.

Pero ayon sa Megastar, “Hindi muna. Palagay ko, mauuna yung ibang mga pelikulang plano niya, kahit with her papa [Gabby Concepcion], bago ako. Sabi ko nga lagi sa kanya, we have to save the best for last because special yun pag kami siyempre. Walang problema sa akin pag nagsama sila sa isang movie ng papa niya, okey na naman kami. Gusto ko, pareho silang umasenso.”

GABBY CONCEPCION. Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng mga tao ang pagbablik-tambalan nina Sharon at Gabby, o pelikulang pagsasama-samahan nila with their daughter KC.

Ayon kay Sharon, naniniwala siya na wala nang issue kung saka-sakaling matuloy ito, pero maaaring iba ang maging dating nito sa mga taong nakapalgid sa kanila.

“‘Yan ang paniniwala ko, baka hindi na maintriga. Pero hindi yun ang paniniwala ng iba, lalo na yung malapit sa puso ko o mga die-hard [fans], although I think sobrang matatalino na ang mga audience ngayon. Hindi na nila ine-expect na pag naging kayo sa pelikula, kayo na talaga ang magkakatuluyan,” saad ni Sharon.

PIOLO & KC. Inamin na ni Piolo Pascual ang panliligaw niya kay KC. Very open din si Sharon sa pagsasabing boto at kampante siya pag ang aktor ang kasama ng kanyang anak.

“Open na sila, 24 na si KC,” sabi ng Megastar. “Masakit man tanggapin, but, you know what, Piolo I think is a good influence on her and he takes care of her very well. He’s very respectful sa amin. Piolo is very prayerful, napakamaka-Diyos niya… Actually, it’s not only Piolo, but the whole small group of Piolo—kasama sina Erik [Santos], Mark [Bautista], Sam [Milby]. They go to church together, so very matitino. I’m very relaxed pag sila ang kasama ng anak ko, not just relaxed, but masaya ako.

“I’m not that close to Piolo. But as far as I have seen, wala akong mairereklamo sa kanya. Nata-touch ako kasi ikinukuwento ni KC na close siya sa mommy niya, sa mga sisters niya. Kami kasi, maka-pamilya kami. That means he’s really a good boy.”

PRES. CORY AQUINO. Marami ang nagdarasal at nakikisimpatiya sa pakikipaglaban ngayon ng dating Pangulong Cory Aquino sa sakit na colon cancer. Isa ang Megastar sa nalulungkot sa pinagdadaanan ngayon ng dating Pangulo, at nagdarasal na sana ay malagpasan nito ang nilalabanang sakit.

Kuwento ni Sharon, “Nagkasakit si Frankie [Sharon’s eldest child with Sen. Kiko Pangilinan] two weeks ago, lagi nga kaming sinasalubong ng news camera sa baba—kasi Makati Med, e—tinatanong nila kung galing kami kay President Cory.

“Ako, I would love to visit her, but I don’t think I’m that close to her because napaka-personal na ng space niya ngayon. Hindi naman kami yung tipo ng papapel. I pray for her. It saddened us na may sakit siya.  She’s close to God.

” Nakilala ko siya more after her presidency. Mas na-appreciate ko yung pagkatao niya. I met her upon Kris’s [Aquino, Cory’s daughter] invitation a few years ago, 2005 pa. There’s  a party in their home in Greenmeadows. I think it’s her [Kris] sister’s house, and then she invited me for the first time ever to sing for her mom. I remembered her [Cory] saying, ‘Buti pa na di na ako president, may Sharon ako.’ She gave me a painting na ginawa niya, naka-display siya proudly sa bahay,” pagtatapos ni Sharon.

via Sharon Cuneta wants her first movie with daughter KC Concepcion to be “special”.

Be the first to comment on "Sharon Cuneta wants her first movie with daughter KC Concepcion to be "special""

Leave a comment

Your email address will not be published.


*