Kris Aquino thanks millions of Filipino praying for her mom, former President Cory Aquino

Naging emosyonal si Kris Aquino, nanginig ang boses at hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang magbigay siya ng statement sa The Buzz kahapon, July 5, tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang ina at dating Pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino, na kasalukuyang nasa ospital dahil sa colon cancer. Naging madamdamin din ang pagpapasalamat ni Kris sa lahat ng mga taong patuloy na nagdarasal para sa maayos na kalagayan ni Mrs. Aquino.

Bago ang mahabang pahayag ni Kris ay binasa muna ni Boy Abunda ang ilang excerpts mula sa artikulong may titulong “Praying For Tita Cory” na isinulat ni Bum Tenorio Jr. at nailathala kahapon sa The Philippine Star. Nilalaman nito ang paghanga kay Mrs. Aquino gayundin ang pagdarasal para sa mabuting kalagayan ng dating Pangulo.

MEDICAL BULLETIN. Pagkatapos nito ay inilahad na ni Kris ang kanyang damdamin. Unang nagsalita si Kris kaugnay sa hindi nila paglalabas ng medical bulletin tungkol sa kalagayan ngayon ni Mrs. Aquino.

“There was video, pinatanggal ko po yun, kasi natakot ako baka nanonood ang mom. I ask my sister now before I spoke kung tulog siya, and she is. Una po, ayaw ho naming isipin n’yo na dine-dedma namin lahat ng dasal, lahat ng kabutihan, lahat ng effort po ng lahat ng Pilipino to reach out to us. Pangalawa po, we know we are public. We know what my mom represents for our country. Pero mahirap po talaga.

“Sana naiintindihan n’yo kung yung mga pinagdadaanan namin, we keep it private for now. But we tell her every day about all the outpouring, lahat ng sulat, lahat ng e-mail, lahat po ng tao na talaga pong pinaparamdam n’yo sa amin how much you love our mother.”

PRAYERS FOR CORY. Sumunod namang inihayag ni Kris ang kanyang damdamin kaugnay ng isinulat ni Bum Tenorio Jr., gayundin sa sulat na galing sa Carmelites sa Cebu.

“You know, this article today meant so much, kasi if there’s one thing talaga that my mom has been telling us from the very start, we all need to pray for each other. And that’s what we’ve been doing and that’s what you’ve been doing for her. Yes, it’s true yung nasa diyaryo today, she will be in the hospital indefinitely.

“I received a beautiful letter today from the Carmelites in Cebu. I think it was dated before people found out about her hospitalization. Pero dun kami, Boy, nung when the Edsa Revolution started, I was with my mom at the Carmelites in Cebu. And nakalagay lang dun na, ‘We are praying for the best.'”

GOD KNOWS BEST. Sinabi pa ni Kris na handa na rin sila sa kung anuman ang mangyayari. Kung anuman ang kagustuhan ng Diyos ay tatanggapin nila ito.

“Alam n’yo ho kami, we know that God knows best. We know that whatever will happen, it’s part of His will. He has been so good to us, particularly my family kasi nabigyan Niya po kami ng pagkakataon na maiparamdam sa mom namin kung gaano namin siya kamahal. And how much people really love her. Siguro yun ang isa sa pinakamagandang nangyari dahil sa lahat ng masasakit na pinagdadaanan niya.”

Hindi rin nakalimutan ni Kris ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong nagdarasal para kay Mrs. Aquino at nagpapaabot ng suporta sa pamilya Aquino.

Read the full story via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Kris Aquino thanks millions of Filipino praying for her mom, former President Cory Aquino.

Be the first to comment on "Kris Aquino thanks millions of Filipino praying for her mom, former President Cory Aquino"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*