KC Concepcion says it is her first time to be courted the traditional way

Nakapanayam kamakailan ng The Buzz si KC Concepcion during a pictorial para sa isang magasin at sinabi ng anak ng Megastar na first time umano siyang maligawan ng traditional sa katauhan ni Piolo Pascual, ang leading man niya sa upcoming teleserye na Lovers in Paris. Nagkuwento pa nga si KC na very respectful sa kanyang nililigawan ang aktor. “First time nga po akong nililigawan ng traditional. Parang hindi siya nagmamadali. Siguro ‘yun nga, traditional nga. May respeto talaga sa babae. Matino. ‘Yung tipong iuuwi ka ng maaga,” sabi ni KC.

Gayunpaman sinabi rin niya na nagkakaroon siya ng confusion minsan dahil napapansin niya na ang pagka-sweet ni Piolo ay hindi lang sa kanya kundi sa kahit kaninong babae. “Very sweet siya sa lahat. Minsan nga iniisip ko, ‘Sweet ka lang ba talaga sa akin o sweet ka lang talaga sa lahat?’” sabay tawa ng dalaga. Naikuwento rin ni KC ang umano’y pagsulat ni Piolo kay Sharon Cuneta at wala naman nabanggit sa kanya ang kanyang pamilya tungkol dito. Hindi umano ito alam ni KC at pinabasa lang sa kanya ng kanyang tita. “ ‘Di ko alam ‘yon. Walang sinasabi sa akin. So nililigawan na ko di ko pa alam,” pag-amin ni KC.

Sa tanong na kung may pag-asa daw ba si Piolo sa kanya, malalim ang tugon ng aktres. Tila flattered pa siya sa panliligaw sa kanya ng magaling na aktor. “Sabi ko nga po nasa sa kanya ‘yon. Kapag nililigawan ka wini-welcome ka ng lalaki sa buhay niya so parang eh ako, okay naman ako. Kung wini-welcome mo ako sa life mo sana worth it. So nasa sa kanya ‘yon kung ano ‘yung gagawin niya,” dugtong ni KC.

Samantala, ibinulgar ng The Buzz host na si Kris Aquino na kamakailan ay nasaksihan niyang magkasabay sina Piolo at KC at nakita niya ang pagiging gentleman ni Piolo papunta sa isang nakatakdang lunch gathering. “He’s a gentleman talaga. When they were riding a car together but with a driver last week, they came together to the lunch. Nung sumakay Piolo, he really made sure na nakasakay siya (KC). Binuksan niya yung door inalalayan niyang umakyat bago siya umikot (para sumakay,)” kuwento ni Kris. “Mapi-feel mo sa body language nila na they’re close talaga.”

via KC Concepcion says it is her first time to be courted the traditional way :: ABS-CBN.com.

Be the first to comment on "KC Concepcion says it is her first time to be courted the traditional way"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*