Katrina Halili gets emotional at her Showbiz Central interview

Photo Credit: PEP.ph

Naging emotional si Katrina Halili sa live interview sa kanya ni Pia Guano sa Showbiz Central kahapon, July 5. Ilang sandali bago ang interview kay Katrina ay sumalang din as live guest si Dra. Vicki Belo, na idinemanda ng sexy actress dahil sa pagkakaugnay diumano nito sa uploading ng sex videos ni Katrina at ng dating boyfriend ng cosmetic surgeon na si Hayden Kho.

Kinumusta muna ni Pia si Katrina, na nagbabalik sa pag-arte bilang Fedra sa primetime series na Rosalinda.

“Okey po, okey naman,” maikling sagot ni Katrina.

Dahil parehong nasa studio sina Katrina at Dra. Belo, although magkahiwalay sila ng dressing room, nagkaroon ba sila ng chance na makapag-usap?

“Hindi…ako na rin naman po ang umiwas,” sabi ni Katrina.

Binanggit ni Pia kay Katrina ang interview nina Mo Twister at Raymond Gutierrez kay Dra. Belo. Sinabi ng cosmetic surgeon na masama ang loob niya kay Katrina dahil pagkatapos siyang patawarin sa naging affair nila ni Hayden ay nagawa pa rin daw siyang idemanda at ang Belo Medical Group.

Ano ang reaction niya rito?

“Totoo po na nagkita kami noong December, tinawagan po nila ako. Yung time na yun, siyempre, alam ko naman po na yun ang pag-uusapan. At saka, sabi niya [Dra. Belo], idinenay ko? Hindi naman po. Yung sinasabi ko po na ang hirap din naman po ng situwasyon na yun na aaminin ko po sa kanya, hihingi po ako ng… Siyempre, hindi rin naman po lahat ng taong nakagawa ng kasalanan, kaya pong gawin yun at harapin yun. Noong sinabi po niya, hindi naman po ako nagdalawang-isip. Sabi ko, ‘Sige po, pupunta ako.’

“Hindi po ako nag-deny. Nagtapos po kami nang maayos noon. Tapos sabi niya, ‘O, sige, wala nang lalabas, ganyan.’ Sila naman po ang hindi tumigil. Nanahimik po ako. Sila naman po yung, nagbigay po siya ng clues, ibinigay po niya yung pangalan ko. I mean, si Hayden… Sila naman po yung nag-umpisa, e. Di ba, nanahimik naman po ako, ngayon lang naman po ako nagsalita,” naiiyak nang sabi ni Katrina.

Pia then asked Katrina how does she feel about Dra. Belo right now. Is she mad at her? Does she also feel betrayed by her? Kasi ang feeling ni Dra. Belo sa kanya, she felt betrayed by Katrina?

“Ayoko na pong pag-usapan kung ano po yung napag-usapan namin. Ayoko na po, tapos na po yun. Nag-usap po kami ng December, maayos po yung pinag-usapan namin. Hindi ko po sinabing naglaro lang ako. Hindi ko po idinenay… Ayoko na pong ipagtanggol ang sarili ko!” napataas ang boses na sabi ni Katrina, at tuluyan na siyang nag-breakdown.


KATRINA STRUGGLES. Pagkatapos nito ay binigyan siya ni Pia ng assurance na hindi na raw nila pag-uusapan pa si Dra. Belo because, obviously, Katrina is still very affected by that. So, moving on, she has shown a very brave front. With all the cases that she filed, ano sa tingin niya ang pinakamagandang nagawa niya sa lahat ng nangyari.?

Tumutulo pa rin ang luha ni Katrina na sinabing, “Basta, masasabi ko lang… Ayoko na po…hindi ko alam…ang gulo po ng utak ko. Walang pumapasok sa utak ko. Kanina pa…”

Tanong ni Pia, kapag ganitong naguguluhan siya, who gives her support? Sino ang gumagabay sa kanya para palakasin ang loob niyang muli?

“Siyempre po yung pamilya ko, si God, yung mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko alam… Walang pumapasok sa kukote ko,” ang patuloy sa pagluhang sabi niya.

Pero dagdag niya, “Sige, ‘eto na lang, basta natatandaan ko, yung sinabi niya [Dra. Belo] kanina na itinuturo ko raw siya na nag-upload, patunayan niya po na sinabi ko po na siya nga yung nag-upload. Kasi po, yung statement ko po, hindi po ako ang nagtuturo sa kanya, si Erik Chua po. Sana po, basahin n’yo po, sana po, naiintindihan n’yo po kung ano po ang ipinasa ko. Wala po akong itinuturong tao. Ang sa akin lang, siyempre po, gusto ko pong malaman kung sino ang nagkalat nun.

“Siyempre po, ang tagal ko pong nanahimik. Noong inamin ko kung ano ang naging relasyon namin [ni Hayden], lahat ng… Nawalan ako ng trabaho. Yung ibang tao, iba na ang tingin sa akin. Tinanggap ko po yun. Hanggang May, wala akong trabaho. Wala akong sinisi, kasalanan ko po. Pumasok ako sa relasyon na yun. Kung ito pa ang idinulot sa akin ng ginawa ko, sige, tinanggap ko po.

“Pero yung nilabas pa po ang video, parang sobra-sobra naman po! Sobra-sobrang pandudurog ang ginawa sa akin at saka planado. Noong paglabas ng video, may mga nag-text sa mga reporter na panoorin yung video ko, so intention akong sirain. Napakawalanghiya po nila!” naiiyak pa ring sabi ni Katrina.

Again, Pia reminded Katrina na hindi na raw nila pag-uusapan yung tungkol doon. And moving forward, since Katrina said that for the past months, wala siyang work, this time, GMA-7 has given her a new project. She will be playing one of the main characters in Rosalinda. How does she feel going back to work?

“Nagpapasalamat po ako sa GMA-7 sa pagtitiwala nila sa akin. Sa pagbibigay nila sa akin ng role na Fedra. Alam po natin na napakalaking project po ito ng GMA-7. May pressure po sa akin dahil hindi ko po alam kung paano ako tatanggapin ng mga tao. Pero nangangako po ako sa inyo na aayusin ko po ang trabaho ko para mapasaya ko po kayo,” sabi ni Katrina, na tumutulo pa rin ang luha.

In a way, there’s also some good things that happened to her after this. How did it change her as a person?

Read the full story via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Katrina Halili gets emotional at her Showbiz Central interview.

Be the first to comment on "Katrina Halili gets emotional at her Showbiz Central interview"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*