A Brief Update on the PRADYEK…

Hello everyone!  I’m going to write this blog entry in Tagalog as it will have more impact than relating it in English.

I’m soooooooooooo glad I didn’t post the AFTER pictures just yet.  We still have a lot to work on.  Paano ba naman, kailangan pala ang pradyek ay hindi lamang concentrated on the ‘outside’.  Ika nga ni BarbeRoss, we should work on the inside as well.  That includes grace in her movement, eloquence in her speaking, and confidence in her attitude.  This will not be a successful project if these weren’t so.

Kagabi ang first demonstration ng ating sabdyek.  Nagpunta kami sa lounge para mag-happy hour.  Tinawagan ako ng sabdyek at inimbitahan ako sa happy hour.  Without any hesitation, I went.  It was fun – – great time with good friends and a lot of laughs.

Pero ito ang nangyari.  We must have consumed approximately 6 to 7 martinis dahil sa mga kuripot kami at hinahabol namin ang happy hour event na hanggang alas siete lang.  Nang dumating kami sa lounge eh bandang alas sais beinte na no?!  Kaya ayun, parang tubig naming ininom ang mga martini.  Sa kalahating oras, may pito yata kaming nainom.  Kuwentuhan, tawanan.. ngunit ang ating sabdyek na under training.. naging malakas daw ang pananalita.  Hindi ko naman ito napansin kaya wa ko kiem! 

Mga bandang alas siyete y medya, nilapitan ako ng sabdyek at sinasabi niya sa akin na hindi raw siya nag-i-spit ng babulgam sa sahig.  Hindi ko siya maintindihan, kaya I didn’t know the relevance as to why she is mentioning this to me. 

Makalipas ang mga cinco minutos, aba, dumating na ang isang waiter sa lounge at pinatatalsik kami!  Unang unang pinalabas ang sabdyek!  Hmmm – sa hukuman, sino kaya ang nagsasabi ng totoo?  Dahil sa mahal namin ang sabdyek, sabay sabay kaming naglabasan at lumipat ng venue.

Hanggang sa labas, pinipilit sa aking ng sabdyek na hindi raw siya ang dumura ng babulgam sa sahig.  Pinakita pa niya sa akin ang babulgam sa bibig niya.  Pinaniniwalaan ko namang di hamak ang ating sabdyek.  Siguro pina-alis kami dahil sa sobrang saya namin at tawanan kami ng tawanan sa loob ng lounge and we were disturbing the peace of the people dining there – O kaya, nahalata yata ng may-ari ng hindi na kami bumili ng drinks after 7:00 – nahalata ang pag-ka-ghetto namin. 

Kaya siguro, isasama namin sa curriculum ang ‘PAGBULONG’ kung bangagacious ka. :D  Kailangan pa ng kaunting refinement ng aming pradyek..

Sa tingin ninyo?  Sabihin ninyo kung ano ang ‘feel’ ninyo sa mga nangyari?  Sino ang tama?  Si lady-in-training ba?  O’ ang istablisment?!  Buti na lang at naghintay pa ko ng another week bago i-reveal ang ating resulta…

Sa muli nating update…  kitakits tayo!

Be the first to comment on "A Brief Update on the PRADYEK…"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*